Hindi na matutuloy ang dapat sana'y pagbabalik aksyon ni Philippine Basketball Association (PBA) legend Marc Pingris mula sa pagreretiro nito.
Dapat sana ay lalaro si Pingris sa koponan ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Gayunman, nagbago ang isip ng 9-time PBA champion at 3-time Defensive Player of the Year at hindi na tutuloy sa paglalaro sa regional league.
"I'm not ready yet. I need to be in tip-top condition before I come back from retirement," wika ni Pingris.
Mahigit dalawang taon ng hindi naglalaro ang 2-time PBA Finals MVP at miyembro ng 40 Greatest Players ng PBA.
Matatandaangnakapag-ensayo na si Pingris sa Rice Vanguards, gayunman, matapos ang kanyang naging assessment sa kanyang sarili, ramdam niya na mahihirapan siyang maibalik agad ang kanyang playing form.Marivic Awitan