April 12, 2026

Home SPORTS

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics
Photo courtesy: New York Yankees (IG/X)

Usap-usapan ang tila pagiging "pitcher" ng Pambansang Kamao na si dating senador Manny Pacquiao, matapos siyang maghagis ng ceremonial first pitch bago ang laban ng New York Yankees at Oakland Athletics noong Miyerkules, Abril 8 (oras sa Pilipinas), sa Amerika.

Sa harap ng libo-libong manonood sa Yankee Stadium, inihagis ng 47-anyos na people's boxing champ ang bola patungo sa catcher na si JC Escarra.

Sa naturang laban, nanaig ang Yankees laban sa Athletics, 5-3.

Ayon kay Pacquiao, matagal na rin mula nang huli siyang nakapaghagis ng bola.

“That was good, for the longest time I was (able to throw) with the last time was way back when I was elementary,” ani niya sa panayam ng YES Network.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Hindi ito ang unang pagkakataong nakadalo si Pacquiao sa professional games sa US ngayong linggo. Napanood din niya ang mga laban ng LA Clippers sa Intuit Dome, LA Kings sa Crypto.com Arena, at LA Galaxy sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

“I’ve always loved the energy of New York sports. To stand on this mound where so many legends have played is a great honor. I might be a boxer, but today I’m just a fan of the game,” ani pa ni Pacquiao, ayon sa inilabas na pahayag ng kaniyang kampo.

Sa huli, nagwagi ang Yankees sa naturang laro laban sa Athletics, 5-3.