Aminado ang anak ni Edu Manzano kay Vilma Santos na si Luis Manzano na nabigla siya at hindi niya inaasahan ang relasyon nina Edu at Cherry Pie, na umusbong sa lock-in taping nang serye nilang 'Marry Me Marry You' na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sa nasabing serye, mag-ex partner ang mga karakter nina Edu at Cherry Pie at anak nila ang karakter na ginagampanan ni Paulo. Ngunit may iba na ring kinakasama ang karakter ni Edu, na ginagampanan naman ni Teresa Loyzaga.

"Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming," wika ni Luis sa naging panayam ni G3 San Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/">https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nalaman niya ang tungkol dito nang may magpadala raw sa kaniyang kaibigan ng larawan ng ama at Cherry Pie na magkasama. Agad naman niya itong kinumpirma kay Daddy Edu niya.

"“He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy-ng happy," kuwento ni Luis.

Biro nga niya, kung maibabalik daw ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2022, malamang daw ay itatapat sa 'KathNiel' ang kanilang tambalan.

Ang tambalang KathNiel ay binubuo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nagkasama naman sina Luis at Cherry Pie sa teleseryeng 'Kampanerang Kuba' na pinagbidahan ng noon ay kalilipat lamang sa ABS-CBN na si Anne Curtis, noong 2005.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan at pinusuan ng mga netizen ang sweet photos nina Edu at Cherry Pie habang nasa Florida, USA sila kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Si Edu Manzano naman ang unang nagkumpirma na in a relationship na nga sila ng mahusay na aktres.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/cherie-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/">https://balita.net.ph/2021/11/28/cherie-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/