Mukhang na-trigger at 'gigil-much' nang husto ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa ginawang mga pahayag ni Barbie Imperial laban kay AJ Raval.

Bukod kasi sa sinabihan niyang walang karapatan si Barbie na tawaging 'mistress' ang sinuman hangga't hindi pa sila kasal ni Diego Loyzaga, at isaksak na lamang niya sa baga ang jowang aktor, mukhang hindi na narendahan ni Cristy ang kaniyang bibig at na-ispluk ang isang natutulog na sa pansitan na blind item tungkol kay Barbie.

Ayon kay Cristy, si Barbie Imperial umano ang na-blind item na aktres na nagsasadya raw sa gym ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson, sa kasagsagan naman ng 'sigalot' sa pagitan nina Bea Alonzo at Julia Barretto.

“Alam kaya ni Diego na si Barbie Imperial ang naba-blind item noon na nagpupunta-punta sa gym ni Gerald Anderson?" chika ni Cristy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ay… sa third floor?" untag naman ni Romel Chika.

"Oh 'di ba? Alam ba ‘yun ni Diego? Baka ngayon niya lang malaman," ayon pa kay Cristy. "Alam mong itong mga sinasabi nating ito, may nagpapadala sa atin…"

Bukod umano sa gym, nagpupunta pa raw si Barbie sa mismong bahay ni Gerald.

Baka nga raw lumaki pa ito lalo na kung sumawsaw ang mga tagahanga ni Julia, gayundin ang mga tagasuporta ni Bea.

“So… sasawsaw rito si Julia, ang mga fans ni Julia Barretto at may masasabi rin ang mga fans ni Bea Alonzo dahil ‘yung kasagsagan ito ng isyu noon eh,” saad pa ni Cristy.

"Ang dami-daming sasawsaw diyan, lalo siyang kawawa diyan," gatong naman ni Romel Chika.

Maya-maya ay muling iginiit ni Cristy kay Barbie na huwag niyang angkinin ang tao kahit na boyfriend pa siya. Yung asawa mo na nga eh nakalulusot pa eh, 'yon pa ngang boyfriend mo pa lang."

Screengrab mula sa YT/Cristy Fer Minute

Ikinawindang naman ng mga netizen ang ispluk na ito ni Cristy.

"Bakit ikaw ang galit kay Barbie, Cristy? Halatang si AJ lagi ang pinapanigan at pinupuri mo. Kahit sa isyung Aljur at Kylie. JOURNALIST KA BA TALAGA o pambansang Marites?"

"Hello Diego, speak up if you are a real Man..seems you are enjoying na pinag-uusapan ka…sorry naman kaya pala si Sofia iniwan ka. Just saying… be a Man!!!"

"Haha bakit masama na ba mgalit pag girlfriend pa lang , haha pinapansin dila ni Barbie, kamusta na man po dila n'yo? Kung mabuti kayong tao bat kayo din nakikialam? Hahaha edukado pala si Diego kasi 'di nagsalita. So ikaw? Tingnan mo na ang sarili bagong maging judger hahahaha."

"Nakakaloka naman si Barbie! Don't tell may nangyari sa kanila ni Gerald?"

Samantala, wala pa namang resbak dito si Barbie, o maging ang iba pang mga nabanggit na personalidad, hinggil sa isyung naungkat ni Cristy.