Isang mananaya na taga-Batangas ang naging ikapitong instant milyonaryo sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Nobyembre.
Ipinaliwanag ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, isa na namang lone bettor na mula naman ngayon sa Batangas, ang nanalo ng ₱5.9 milyong jackpot sa Regular Lotto 6/42 na binola nitong Sabado ng gabi.
Naahulaan ng nabanggit na mamanaya ang six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 07-13-05-30-24-12 kaya napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na ₱5,940,000. Nabili umano nito ang ticket sa Tanauan, Batangas, ayon pa sa opisyal.
Mary Ann Santiago