Binigyang-pugay ni Angel Locsin ang kaniyang mother-in-law na ina ng mister na si Neil Arce, sa pagdiriwang nito ng kaarawan.

"You are a proof that mother-in-law’s are adorable and kind. Or ang swerte ko lang talaga. Happy birthday mother @jeanniejlo, love you!" caption ni Angel sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 25.

Jean Arce (Screengrab mula sa IG/Angel Locsin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong 2020, ang caption ng pagbati ni Angel ay "“Happy birthday to my beautiful future mother-in-law, @jeanniejlo."

At tumugon naman dito si Ms. Jean, ang birthday celebrator. Para sa kaniya, daughter na niya o anak na babae si Angel dahil wala raw siyang anak na babae.

"Thank you my future daughter! Daughter na lang ha kasi wala akong daughter! Pangarap ko 'yun eh.. Sabihin mo kay daddy mo kung ok lang sa kanya 'yun tawag ko sa iyo… love you Angel! Thank you for making me happy today!” tugon ni Jean sa pagbati ng noon ay future daughter-in-law.

Samantala, nagpaabot din ng birthday greetings ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Angel sa showbiz gaya nina Dimples Romana, Bubbles Paraiso, Chito Miranda, at beteranang aktres na si Eula Valdez.

Marami naman ang nakapansing tila bata pa ang hitsura ng biyenan ni Angel, batay sa comment section ng kaniyang post.

"Ang bata at ang ganda ng mother-in-law mo, Ms. Angel. Bagay kayong mag-ina!"

"Mom-in-law? Wow! She looks so young. Happy Birthday po!"

"Naks sana all ganyan kaganda and look younger mother-in-laws."

"Mother-in-law mo 'to??? Parang magkapatid lang kayo ah. Ambata pa."

"Happy birthday to her. She looks young and gorgeous."

Ikinasal sina Angel at boyfriend niyang film producer na si Neil Arce nitong Agosto 2021.