Dumating na sa Pilipinas ang halos 3.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng donasyon ng United Kingdom (UK) nitong Nobyembre 25.

Dakong 4:00 ng hapon nang lumapag saNinoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Emirates Airline flight EK332 lulan ang nasabing bakuna na nagmula pa sa UK.

Ang kargamento ay bahagi ng5,225,200 doses na idino-donateng UK sa bansa, ayon saNational Task Force Against COVID-19.

Sa kasalukuyan, aabot na sa138.3 milyong doses ng bakuna ang dumating sa bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'