Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbaklas umano sa portrait ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo na nasa dingding ng ABS-CBN building at madaraanan sa hallway, na hindi naman sinasadyang mahagip sa IG story ni Kim Chiu.

Nagkukulitan umano sina Kim Chiu at ang kapwa 'It's Showtime' host na si Tyang Amy Perez at kinunan ito ni Kim ng video, at inupload sa IG story. Sa background, makikitang may tinatanggal na portrait ang ilang mga staff, at naging mabilis ang mga mata ng netizen sa pag-spot na ito ay kay Bea Alonzo.

Image
Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Ang katabi kasi ng litrato ni Bea sa ABS-CBN hallway ay sina Piolo Pascual sa kaliwa at si Jericho Rosales naman sa kanan. Si Piolo ay nagbalik-Kapamilya at si Jericho naman ay pansamantalang nagpahinga sa paggawa ng teleserye. Ang huling proyekto ni Jericho sa Kapamilya Network ay teleseryeng 'Halik'.

Screengrab mula sa FB/Pilipinas Trending

Matatandaang lumipat na sa Kapuso Network si Bea noong Hulyo.

Inilalagay ang mga larawan ng mga artistang nasa pangangalaga ng ABS-CBN sa hallway bilang pagpupugay at pagkilala sa kanilang kontribusyon bilang Kapamilya stars. Ang tanong, kaninong litrato kaya ang ipapalit sa dating portrait ni Bea?

Anyway, as of this writing ay burado na ang IG story na iyon ni Kim. Pabiro ring 'pinagsabihan' ni Kim ang isang showbiz-related media outlet na sana raw ay huwag siyang gawan ng isyu.

Screengrab mula sa Twitter/Kim Chiu

"Eto namang si@FashionPulis ginawan pako ng issue. Ikaw talaga. Kurutin kita sa singit eh! Mag 2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. pag keri. Love love love! Sabi nga ni ate kris!"