Isa pang Chinese ang inaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng iligal na droga nang tangkain nitong dalawin ang kanyang kaibigang nakakulong sa isang presinto sa loob ng Solaire Hotel and Resort sa Parañaque City nitong Nobyembre 25.

Kinilala ang dayuhang suspek na si Zhao Wei, 32, binata, tubongLiao Ning, China, at pansamantalang nanunuluyan sa Ortigas, Pasig City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dinakip ang suspek sa Solaire Police Sub-Station custodial facility na nasa Solaire basement parking, Aseana 1, Entertainment City, Brgy. Tambo, nitong Huwebes.

Bibisitahin sana ni Wei ang kaibigan nito na nakakulong sa naturang lugar nangmaharang sa kanyang kagamitan ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sasampahan si Wei ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea