Kamakailan lamang ay nagkagulo na naman ang mga 'imbestigador' na Marites and friends dahil sa panibagong mga Instagram stories ng 'magkaibigang' sina Paolo Contis at Yen Santos.

Napagtagni-tagni kasi ng mga netizen na tila magkasama ang dalawa sa isang dinner date, upang ipagdiwang ang 29th birthday ni Yen.

Sa Instagram stories ni Yen, makikita ang isang litrato na maganda ang set-up at may pailaw pa. Nilagyan niya ito ng caption na 'birthday dinner'.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 6 people
Screengrab mula sa IG/Yen Santos

Si Paolo naman, nagbahagi ng kaniyang selfie ngunit kapansin-pansin na pareho sa pa-ilaw na makikita sa litratong ibinahagi ni Yen; may caption naman itong dinner time.

May be an image of 1 person, indoor and text that says 'paolo_contis 7h Dinner time.. HH T Send deg message'
Screengrab mula sa IG/Paolo Contis

Kung mapapansin din ang litratong ibinahagi ni Yen, parang dalawa lamang ang upuan sa roundtable na maganda ang setup.

Sabay pang nag-post ang dalawa kaya duda ang mga Marites na nasa iisang lugar lamang ang dalawa.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sa panulat ni Gorgy Rula, 'wapakels' daw ang isinagot sa kaniya ni Paolo nang usisain niya ito tungkol dito, with matching laughing emoji.

Hindi naman nito kinumpirma kung talaga bang magkasama sila o nagkataon lamang ang kanilang 'birthday dinner as a friend', kung tawagin nga ng mga netizen.

Si LJ naman, hindi rin nagbigay ng 'patutsada' o cryptic social media posts tungkol dito. Sa halip, ang ibinahagi niya ay mga natanggap na love notes mula sa kaniyang panganay na anak na si Aki, anak nila ni Paulo Avelino.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/21/lj-reyes-kinilig-sa-love-letters-dedma-sa-viral-ig-stories-nina-paolo-yen/">https://balita.net.ph/2021/11/21/lj-reyes-kinilig-sa-love-letters-dedma-sa-viral-ig-stories-nina-paolo-yen/

Bahagi si Paolo ng teleseryeng 'I Left My Heart in Sorsogon' kasama sina Heart Evangelista at Richard Yap, na unang teleserye niya sa Kapuso Network matapos ang paglipat.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag si Yen sa lahat ng mga isyung ipinupukol sa kaniya, simula nang maiugnay siya sa hiwalayan nina Paolo at LJ.