Talaga nga namang napakatalas ng mga mata ng 'Marites and friends' dahil matapos ang pag-alma ni Kris Aquino sa cryptic tweet ni Herbert Bautista tungkol sa nakaraan nito, palaisipan sa mga netizen kung sino ang tinutukoy ni Krissy na 'beautiful girlfriend' nito.

"It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past," bahagi ng Instagram post ni Kris.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/">https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

Tanong ng mga netizen, sino nga kaya ang karelasyon ngayon ni Bistek?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, nabasa na nga ng mga netizen ang tweet mula sa 'ReINA ng Tahanan' choosegado na si Ruffa Gutierrez nitong Nobyembre 20. Tinalakan nito ang admin umano ng Twitter account ni Herbert.

“Dearest Admin of @Bistek858, Pwede ba, ayusin mo mga tweets mo. Make them RELEVANT & CURRENT. Hindi ka nakakatulong, nakakasira ka pa."

"Huwag mo nang buhayin yung mga matagal ng patay at nananahimik na issue. OR ELSE …you’re FIRED!!!

"Such an amateur,” saad sa tweet ni Ruffa G.

Screengrab mula sa Twitter/Ruffa Gutierrez

At syempre, dahil 'advance mag-isip' ang mga Marites online, kaniya-kaniyang reaksyon naman sila kung bakit nag-call out si Ruffa sa admin ng Twitter account ni Bistek. May mga nag-isip na netizen na baka si Ruffa ang tinutukoy na beautiful girlfriend at 'present' ni Bistek, bagama't wala pa namang malinaw na 'resibo' tungkol dito at pawang espekulasyon lamang.

Maaari din naman kasing kinastigo ni Ruffa ang sinumang gumawa ng tweet, na ikinapahamak ni Herbert, na maaaring isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

O kaya naman daw ay ipinagtatanggol din si Kris Aquino na nakasama niya noon sa talk show na 'The Buzz' bagama't nagkaroon din sila ng tampuhan noon.

Samantala, isang cryptic tweet ang inilabas ni Ruffa nitong Nobyembre 22.

"Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY. Everything isn’t meant to be on display. It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you. I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY," aniya.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag o reaksyon si Ruffa o si Herbert hinggil sa usaping ito.