Ikinasal na ang aktres na si Ritz Azul sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guy nitong Sabado, Nobyembre 20, sa Alphaland Baguio Mountain Lodges, Baguio City.

Ayon kay Ritz sa panayam sa kaniya noong 2017, si Allan ay ang una at huling boyfriend niya. 'NBSB' o No Boyfriend Since Birth ang peg ni Ritz ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang mga landas nila ni Allan, na una niyang naging kaibigan.

Ritz Azul (Screengrab mula sa IG/Mark Anthony Rosales)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"My standards are not high. I just want the genuine, respectful, God-fearing, more on the inside. I don’t look much at the physical," aniya noon sa press conference para sa teleseryeng 'A Promise of Forever' na ipinalabas sa ABS-CBN.

“Because I’m not familiar with the boyfriend and girlfriend relationship. My mind was more open to what my dad was teaching me. Let him flirt if he really wants to. Let’s see if he’s genuine with you. Because when the right time comes, that’s it," dagdag pa niya.

Noong Hunyo 2020 naganap ang kanilang engagement.

Nitong Sabado ay ibinahagi ni Mark Tumang ang wedding gown ni Ritz sa kaniya mismong facebook account. Si Mak ay ang kilalang designer ng gown ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray.

TINGNAN: https://www.facebook.com/balitaphl/posts/4740403542682441

Ang glam team naman ni Ritz, ang make-up artist na si Jason delos Reyes at hairstylist na si Mark Anthony Rosales na nagbahagi rin ng mga ganap sa kasalan sa kaniyang Instagram account.

Kabilang naman sa mga bridesmaid ang Star Magic artist na si Miles Ocampo.

Miles Ocampo at Ritz Azul's wedding
Larawan mula sa IG/Mark Anthony Rosales

Bago ang kasalan, nauna nang ipinasilip ni Ritz at Allan sa kani-kanilang mga IG accounts ang kanilang prenuptial photoshoot na ginawa ni Paolo Nierves.

Allan Guy at Ritz Azul (Larawan mula sa IG/Allan Guy)

Allan Guy at Ritz Azul (Larawan mula sa IG/Allan Guy)

"Life is full of wonderful things waiting to surprise you. You are my beautiful surprise," caption ni Ritz sa kaniyang IG post.

At nito ngang Nobyembre 20 ng gabi, ibinahagi na ni Ritz ang litrato ng kanilang wedding rings ni Allan, na matatawag na niyang 'husband'.

"Before this day ends… #theGuyforRitz," ayon sa caption.

Allan Guy at Ritz Azul (Screengrab mula sa IG/Ritz Azul)

Congratulations, Ritz at Allan!