Tuluyan na ngang napalabas ng Bahay ni Kuya ang aktres at GirlTrends member na si Chienna Filomeno sa 3rd Eviction Night ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 nitong Sabado, Nobyembre 21.

Si Chie ang nakakuha ng pinakamababang aggregated scores ng vote to evict at vote to save na 11.16% na boto, sumunod naman ay si Eian Rances (12.12%), Benedix Ramos (16.83%), at KD Estrada (17.35%).

Chie Filomeno Is the Third Celebrity Evicted From Pinoy Big Brother:  Kumunity Season 10 - Where In Bacolod <meta content='Where In Bacolod: Chie  Filomeno Is the Third Celebrity Evicted From Pinoy Big
Chie Filomeno (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang iba pang mga naunang celebrity housemates na napalabas na sa PBB House ay sina John Adajar at Albie Casiño.

Pinakamami-miss raw niya sa lahat ay sina Kyle Echarri at Samantha Bernardo.

“Pinakama-miss ko si Kyle at Sam. Actually lahat. Iba-iba sila e. Yung rapport at dynamics naming lahat very balance. Mami-miss ko sila sobra,” aniya.

Proud naman ang ama ni Chie na si Bobby Filomeno sa ipinakita ng anak sa loob ng BNK.

“Yung pagbabagong nakita ko kay Chie ay yung natuto siyang makisama sa lahat ng klase ng mga kasama niya sa loob. At yung napakita niya yung sarili niya yung totoo na Chie Filomeno na bina-bash sa labas na di ganoon," wika nito.

Samantala, sabi ng mga netizen ay mapapanood na ni Chie ang trending na nomination sa kaniya ng isa sa mga celebrity housemates na si Madam Inutz, matapos siya nitong bigyan ng 2 puntos dahil ready na raw siyang umalis ng bahay dahil wala na siyang ambag sa bahay kundi pagpapaganda.

"Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," diretsahang pahayag ni Madam Inutz.

chie filomeno – Manila Bulletin
Madam Inutz (Larawan mula sa Manila Bulletin)

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/madam-inutz-2-points-kay-chie-kasi-wala-naman-siyang-maiambag-kundi-pagpapaganda/

Inaabangan na ngayon kung ano ang magiging reaksyon niya rito, lalo't iniimbitahan ang mga evicted housemate sa isang panayam. Tanong nila, reresbakan kaya ni Chie si Madam Inutz? Ano kaya ang masasabi niya sa naging rason ni Madam Inutz at nang iba pang housemates kung bakit siya ni-nominate, na naging dahilan upang malagay siya sa balag ng alanganin, at tuluyang mapalabas ng Bahay ni Kuya?

Napapanood ang PBB araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, TFC, at may 24/7 livestreaming sa Kumu.