Sinabi ng celebrity cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao na hindi isang prank lamang ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na vlogger at cancer survivor na si Wil Dasovich.

Marami man ang nanghihinayang sa kanilang relasyon lalo't kasama ni Wil sa Alodia sa kaniyang pakikipaglaban sa sakit, ganoon nga raw talaga; may mga bagay na paulit-ulit na umanong nangyayari at darating sa puntong kailangan nang i-let go, ayon mismo kay Alodia.

Upang matuldukan na ang mga naglalabasang komento na baka prank lamang ito, nagsagawa siya ng isang FB live na may pamagat na 'It is what it is' na talaga namang tinutukan ng kaniyang mga tagasuporta.

Aniya, sa sobrang bala ng kaniyang schedule ay hindi na niya magagawa pang mag-prank, at isa pa, wala siyang kahilig-hilig sa ganitong uri ng pakulo.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Sa mga nagtatanong pala, kasi may mga nagsasabi, ‘Is it a prank?’ To be honest, I don’t normally do pranks and wala pa akong time to make like yung mga ganung types of videos kasi po very busy ‘yung day ko."

"I, like, have meetings kasi and I also manage Tier One behind the scenes, so may mga business meetings. I manage gaming streams, the company, and branded contents, so ‘yung mga ano… No, hindi po ito prank. I wish it were, but no," paglilinaw niya sa isyu.

Gayunman, nagpapasalamat pa rin si Alodia sa mga taong pautoy na sumusuporta sa kaniya, sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon ni Wil. Nilinaw naman niya na maayos siya.

“Thanks you, guys, for the support. Don't worry, I'm okay. Pero nagulat po ako bakit po tayo trending sa Twitter. Hindi ko po inexpect ‘yun. Gusto ko lang po kasi to be honest, it’s been a while and I just really want everyone to know the truth.”

“I’m not sad. Happy na lang tayo. Things happen for a reason, so okay lang. ‘Stay strong,’ yes, thank you, guys, for all the support."

“I’m seeing a lot of kind words. Pero I really don’t wanna talk about it. I’m not the type to talk about my personal life. Hindi po ako ‘yung vlogger na nagpo-post masyado ng drama or whatever."

“I usually post about work, cosplay, gaming, the company Tier One, Blacklist International, and mga highlights ng games. Pero personal life, ayaw ko po talaga."

“And for the past videos, I don’t monetize the videos. I mean, it’s just there for me to document. Like, ako kasi, mabilis akong makalimot ng stuff, so it’s just a diary for myself,” aniya.

Matatandaang si Alodia ang unang nagpahiwatig sa kanilang break-up nang ipakita niya sa Instagram ang selfie photo habang nasa gym at may caption na, 'It’s always empty here… parang puso ko. Choz! Hahaha!'

Sumunod naman dito ay ang Facebook post niya: "To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/alodia-gosiengfiao-at-wil-dasovich-hiwalay-na/">https://balita.net.ph/2021/11/14/alodia-gosiengfiao-at-wil-dasovich-hiwalay-na/

Si Wil naman, may Ig post hinggil sa pagmo-move forward kalakip ang mga litrato ng Himalayas mountains.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/16/latest-ig-post-ni-wil-dasovich-para-nga-ba-sa-ex-na-si-alodia/">https://balita.net.ph/2021/11/16/latest-ig-post-ni-wil-dasovich-para-nga-ba-sa-ex-na-si-alodia/

Hindi rin nagsalita si Alodia hinggil sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan, gayundin sa mga pangalang nakakaladkad sa isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/17/barbie-imperial-christine-samson-idinadawit-sa-wil-alodia-break-up/">https://balita.net.ph/2021/11/17/barbie-imperial-christine-samson-idinadawit-sa-wil-alodia-break-up/