Isang mag-live-in partner ang nakakulong ngayon sa Taguig City Police matapos na isangkot sa pagpatay sa isang lalaki na isinilid sa sako at itinapon sa isang lugar sa lungsod nitong Nobyembre 20.

Kasong murder ang kakaharapin ng mga suspek na sina Gabby Sarza Ignacio, 24, tubong Bicol, at Bryjane Bulay Colot, 24,  tubong Zamboanga del Norte, at kapwa taga-Block 1 Lot 9 Purok 7, Barangay Tanyag, Taguig City.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima sa alyas na "Troy."

Natagpuan ang bangkay ng biktima na naka-sako sa isang basurahan malapit sa bahay ng mga suspek.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa paunang ulat ng pulisya, isang construction worker ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima dakong 8:00 ng umaga at ini-report niya agad sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Sa salaysay ni Colot, tinext niya ang biktima upang magkita sila sa isang mallt at nang pauwi ay kasama na niya ang biktima, dakong 8:00 ng gabi ng Nobyembre 19.

Nag-inuman umano ang dalawa at nang malasing ay pinilit umano ng biktima si Colot na makipagtalik na agad na pinalagan ng babae.

Tiyempong umuwi si Ignacio kaya nakipagtalo ito sa biktima hanggang sa masakal niya ito at napatay.

Nagtulong umano ang dalawang suspek na isako ang biktima at itinapon sa basurahan.

Bella Gamotea