Aabot sa 203 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng ₱1,380,400 ang nakumpiska sa dalawang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Makati City nitong Nobyembre 18.

Ang mga naarestong ay kinilala ng pulisya na sina Nestor Dancalan Jr., alyas Tatay, 30, at  Shallomar Enriquez, alyas Omar, 28, kapwa taga-Makati City.

Sa natanggap na ulat ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Makati Drug Enforcement Unit at Intelligence Section sa Lot 9 Magnolia Street, Barangay Rizal sa nasabing lungsod na ikinaaresto nina Dancalan at Enriquez dakong 3:56 ng hapon.

Narekober kina Dancalan at Enriquez ang iligal na droga, marked money at isang sling bag.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nakakulong na ang mga suspek sat nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Reoublic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Bella Gamotea