Balik-tambalan na ang Kapuso stars na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ngunit hindi sa isang Kapuso teleserye o movie, kundi para sa isang promotional short film ng sikat na fast-food chain na 'Jollibee'.

May pamagat itong 'One True Pair' the movie na handog ng Jollibee, na mapapanood sa kanilang YouTube channel sa Disyembre 1. Ibinahagi nila ang sneak peak nito sa kanilang opisyal na Facebook page.

"The much awaited reunion of Philippine cinema's iconic pair John Lloyd Cruz and Bea Alonzo is real! Kumusta na kaya ang mga puso nila? One True Pair The Movie is streaming this December 1, exclusively on Jollibee Studios YouTube channel. Subscribe now and don't be left out," saad sa caption.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

May be an image of 2 people and text that says 'THE MUCH AWAITED RETURN OF THE COUNTRY'S MOST ICONIC PERFECT PAIR JOHN LLOYD CRUZ BEA ALONZO Jollibee STUDIOS PAR NE TRUE THE THEMOVIE MOVIE DIRECTED BY JP HaBac STREAMING DECEMBERI EXCLUSIVELY ON JOLLIBEE STUDIOS YOUTUBE CHANNEL'
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Larawan mula sa FB/Jollibee)

Ibinahagi rin ng Jollibee na sina JLC at Bea ang pinakabago nilang endorsers.

"One of the country's most iconic pairs is now part of the Jollibee family! Are you as hyped as we are? #JLCBeaForJollibee," saad sa caption.

May be a cartoon of 2 people and text that says 'Welcome to the family, John Lloyd and Bea!'
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Larawan mula sa FB/Jollibee)

Sina John Lloyd at Bea ang napili ng Jollibee bilang 'perfect pair' dahil napaka-iconic ng kanilang mga karakter na pinagtambalan sa mga pelikulang ginawa nila. Isa na riyan ang 'One More Chance' ng Star Cinema. Hindi na naalis sa kanila ang mga pangalang 'Popoy' at 'Basha'.

Ngayong magkasama na ulit sila sa iisang network, abangers na rin ang mga tagahanga nila kung magsasama ulit sila pelikula, o sa isang teleserye. Sa ngayon ay abala umano si Bea para sa pelikula nila ni Alden Richards, at si JLC naman, bilang bida at direktor ng sitcom na 'Happy Together' sa GMA Network.