NUEVA ECIJA - Nag-alok na ng pabuyang ₱150,000 ang lokal na pamahalaan ng Jaen sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga pumatay kay Barangay Chairman Zoilo "Anlo" de Belen ng Brgy. Lambakin ng nasabing bayan kamakailan.

Nilinaw ni Jaen Mayor Sylvia Austria na sa nasabing reward, ang ₱100,000 ay nanggaling sa kanya at ang ₱50,000 ay mula naman kay Councilor Sylvester Austria.

Layunin aniya nito na mapabilis ang pagresolba sa kaso.

Umapela naman ang Jaen Municipal Police sa publiko na makipagtulungan na sa kanila upang mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang kay de Belen.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Matatandaang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang lalaki si de Belen habang ito ay nagdidilig ng halaman malapit sa kanyang bahay nitong Nobyembre 5.

Light Nolasco