Tuluyan na ngang lumabas ng 'Bahay ni Kuya' sa 2nd eviction night ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 ang kontrobersyal na aktor na si Albie Casiño.

Sa apat na nominated housemates, si Albie ang nakakuha ng pinagsamang boto para sa save at evict votes (6.48%). Ang pinakamataas naman na nakakuha ng pinagsamang save at evict votes ay ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad (17.09%), sumunod ay si KD Estrada (16.08%), at si Anji Salvacion (8.46%).

Albie, Alexa, Anji, and KD in danger of getting evicted in 'PBB Kumunity' – Manila  Bulletin
Albie Casiño (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kahit na siya ang pangalawang napaalis sa Bahay ni Kuya, masaya naman si Albie sa naging journey niya. Proud din ang kaniyang inang si Rina Casiño dahil nakita raw niya ang character building ng anak habang nasa loob ng bahay, at nakikihalubilo sa ibang housemates.

Aminado raw siya na noong malaman niya na papasok sa PBB ang anak, nagdalawang-isip siya dahil mabubuking ng publiko ang tungkol sa pagkakaroon nito ng Anxiety Deficit/Hyperactivity Disorder nito o ADHD.

"But you know what, he is very open about it. You know Albie has no filter," pahayag ni Rina kay Bianca sa panayam nito.

Isa si Albie sa mga housemates na medyo huli nang pumasok sa PBB House. Tinuruan niya ang mga housemates kung paano mag-work out, lalo't kapansin-pansin naman talaga ang maganda niyang katawan.

Nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ng co-nominated housemate na si Alexa Ilacad subalit agad din naman itong naresolba. Nagkatrabaho na sila sa teleseryeng 'Init sa Magdamag' na pinagbidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM De Guzman.

Samantala, kung bumaha naman ng pagsuporta kay Albie mula sa mga netizens, hindi naman maiwasan ang muling pagsulpot ng kontrobersiya hinggil sa resulta ng save at evict votes sa mga nominated housemates. May mga netizens na kumukuwestyon at nag-aakusa na may 'cooking show' umano o lutong nangyayari sa resulta, lalo't nagkaroon pa ng technical difficulties sa pagpapakita ng resulta ng magkasanib na save at evict votes, nang ilahad ito ng isa sa mga hosts na si Bianca Gonzalez.

Wala pa namang pahayag ang PBB management hinggil dito.