Inaasahang dadagsain muli ng mga turista ang Boracay Island matapos na magpasya ang pamahalaan panlalawigan na maaari nang pumasok sa lugar ang mga bakunado, kahit wala na silang negatibong resulta ng swab test, simula Nobyembre 16.

“We hope to see even more visitors for this month and December,” pagdidiin ni DOT-6 Regional Director Cristine Mansinares.

Ayon sa DOT, inanunsyoniAklan Governor Florencio Miraflores nitong Nobyembre 11 na bukas na ang isla sa mga domestic tourist na fully vaccinated.

Kinakailangan lamang ipakita ng mga turista mula sa Capiz, Guimaras at Iloiloang kanilang vaccination certificate na nagpapatunay na bakunado na ang mga ito bago sila pumasok sa isla.

Probinsya

Lalaking kulang umano ng pang-tuition, nangholdap at nanggahasa!

Sa datos ng DOT-6, tumaas ang bilang ng mga bumisita sa isla sa nakalipas na dalawang buwan nang maitala nila ang 32,452 na turista sa Oktubre pa lamang.

Tiniyak din ng DOT-6 na hihingan nila ng tulong ang task force on COVID-19 ngpamahalaan upang matiyak na maipatupad angminimum health protocols.

Tara Yap