Kinumpirma mismo ng Squid Game creator, writer, and director nitong si Hwang Dong-hyuk na magkakaroon na ng season 2 ang super hit na series sa Netflix, batay sa panayam ng Associated Press.

"So there's been so much pressure, so much demand and so much love for a second season. So I almost feel like you leave us no choice," sagot ni Hwang sa AP.

"But I will say there will indeed be a second season. It's in my head right now. I'm in the planning process currently. But I do think it's too early to say when and how that's going to happen."

Wala pa siyang ibinigay na detalye tungkol rito, ngunit sa ngayon ay ipinangako ni Hwang na makikita ulit sa season 2 si

Metro

Libreng sakay sa LRT/MRT, ‘huwag lagyan ng malisya!'—Palasyo

Seong Gi-Hun (Lee Jung-jae), at 'will do something for the world'.

Kaya naman, ang pagtatapos ng Squid Game sa Episode 9 ay open-ended dahil umano sa malalim na dahilan.

"We came to the conclusion that the question that we wanted to propose cannot be done if he left on the plane. The question that we want to answer — why has the world come to what it is now? — can only be answered or can only be proposed if Gi-hun turned back and walked towards the camera. So that's how we ended up with that ending in the finale."

10 years in the making bago niya natutukan ang Squid Game dahil nagpokus muna siya sa Silenced (2011), Miss Granny (2014), at The Fortress (2017). 2009 pa lamang daw ay tapos na niya ang script nito.

“At the time, it seemed very unfamiliar and violent. There were people who thought it was a little too complex and not commercial. I wasn’t able to get enough investment and casting was not easy. I dabbled in it for about a year, but I had to put it to sleep then.”

Matapos umano ang isang dekada, dumating naman ang offer ng Netflix na bigyang-buhay na ang natutulog niyang script. Binigyan siya umano nito ng 'creative freedom'.

Ayon sa ulat ng Netflix, ang Squid Game ang kauna-unahan nilang series na kakalunsad pa lamang subalit umabot kaagad kaagad sa 111 million viewers sa loob lamang ng 17 days na streaming nito.

Ang Squid Game ay tungkol sa sa 456 contestants na lumahok sa misteryosong survival game, para sa premyong 45.6 billion won. Mga larong pambata sa South Korea ang anim na larong kailangan nilang ma-survive upang maiuwi ang tumataginting na premyo.