Isa sa mga kinakikiligang singer-actor sa showbiz si Kean Cipriano, na nakilala bilang lead band vocalist ng 'Callalily' na nagpasikat ng mga awiting 'Magbalik' at marami pang iba.

Bukod sa hindi maitatangging good looks at karisma sa tao, siya rin ay talentado dahil siya rin ay composer, music video director, at musician na nakaugnay sa kaniyang pagiging mang-aawit.

Nakilala rin siya sa pagganap sa iba't ibang shows at pelikula.

Ngunit ano nga ba ang 'best decision ever made' na ginawa niya sa buong buhay niya?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 8, ang pinakamahusay na desisyong nagawa niya ay pakasalan ang pinakamatalik na kaibigan niyang si Kapuso actress Chynna Ortaleza. Binati niya ito sa kanilang 6th wedding anniversary.

"6 years ago, I married my bestfriend. Best decision I’ve ever made. Happy Anniversary my love @chynsortaleza," ayon sa kaniyang caption, kalakip ang mga litrato nila noong sila ay ikinasal.

Screengrab mula sa FB/Kean Cipriano

May be a closeup of 2 people and people standing
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza Screengrab mula sa FB/Kean Cipriano

May be an image of one or more people, people standing and indoor
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza Screengrab mula sa FB/Kean Cipriano

May be an image of one or more people and people standing
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza Screengrab mula sa FB/Kean Cipriano

May be an image of one or more people and people standing
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza Screengrab mula sa FB/Kean Cipriano

Samantala, naglatag din ng kaniyang 'memory lane' si Chynna sa kaniyang social media accounts, mula nang ikasal sila ni Kean hanggang sa magka-anak na sila. Si Kean pala ang lalaking matagal na niyang ipinagdarasan sa Diyos, na nasa harapan na niya, subalit hindi pa niya nakikita dahil nga magkaibigan ang turingan nila sa isa't isa.

"6 Years na po! Pero kilig na kilig pa rin ako. All the love best friend Kean Cipriano thank you for the gift of friendship & marriage. Thank you Lord for bringing us together!"

Sa ngayon ay dalawa na ang anak nina Kean at Chynna. Ang kanilang panganay na si Stellar ay isinilang noong 2016, at ang kanilan bunso na si Salem ay noong 2019.