CAGAYAN - Natimbog ng pulisya ang isang umano'y illegal recruiter matapos hingan ng₱600,000 ang isang nurse upang makapagtrabaho umano ito sa ibang bansa sa Claveria ng naturang lalawigan kamakailan.
Kaagad na ikinulong ng mga awtoridad si Ryan Dexter John Lagmay, alyas Gibson Muanjit, 44, taga-Barangay Dibalio ng nasabing bayan, matapos dakpin ng mga tauhan ngSta. Praxedes Police Station, Claveria Police Station, Cagayan Provincial Police Office, Regional Intelligence Unit 2, Provincial Intelligence Team Cagayan, 1st Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Police Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 14 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Baguio City sa kanilang lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas niPresiding Judge Jorge Manaois Jr. ng Regional Trial Court First Judicial Region, Branch 10, La Trinidad, Benguet sa kasong "Illegal Recruitment Committed by Syndicate" o paglabag ng Republic Act 8042 nitong nakaraang Agosto 6.
Nag-ugat ang kaso nang ireklamo ito ng nurse na si Jeremiah Samdao, taga-La Trinidad, Benguet matapos umanong hingan ng₱664,387.00 kapalit ng alok na trabahong nursing aide sa Quiron, Barcelona, Spain.
Mula Nobyembre 4, 2020 hanggang Mayo 12 ng taon, hiningi aniya ng suspek angsalaping kumakatawan umano sa kanyang mga gastusin, katulad ng medical fees, visas fee, broker fee, embassy fee, training at plane tickets.
“Lima ang mga iyan, na nambiktima, nahuli na iyong isa sa La Union, kaya tatlo pa sa kasamahan nila ang pinaghahanap na may warrant of arrest. Naganap ang transaksyon ng mga iyan sa Baguio City," pahayag naman ni Lt. Col. Andree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office-Region 2.
Wala aniyang pahintulot si Lagmay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang mag-recruit ng mga aplikante namagtatrabahosa ibang bansa.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Lagmay.
Liezle Basa Iñigo