Ipinagdiwang ni Kapamilya actor at kumakandidatong kongresista sa Quezon City na si Arjo Atayde ang kaniyang 31st birthday, at espesyal na espesyal ito dahil sa kaniyang 'bubba' na si Phenomenal Star Maine Mendoza.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 6, inilarawan ni Arjo si Maine bilang 'one of his life's biggest blessings'.

"Starting 31 with one of life’s biggest blessings. I love you sooooo much, bubba. Thank you for everything!" caption ni Arjo sa kaniyang IG post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maine Mendoza at Arjo Atayde (Larawan mula sa IG/Arjo Atayde)

Samantala, si Maine naman ay nagbahagi ng throwback photoe nila ng jowa habang nakasakay sila sa bangka na kuha noong magbakasyon sila sa isang resort.

"Happy Birthday," nakasaad sa caption, na sinagot naman ni Arjo nang 'I love you'.

Maine Mendoza at Arjo Atayde (Larawan mula sa IG/Maine Mendoza)

Sa Disyembre ay ipagdiriwang na nila ang 3rd anniversary kaya marami na ang nagtatanong kung kailan na sila lalagay sa tahimik bilang mag-asawa.

Sagot naman ni Arjo, napag-uusapan naman nila ang mga bagay na ito ni Menggay. Suportado rin umano ng kaniyang nobya ang pagsabak niya sa politika.