Tila may malalim na 'hugot' ang cryptic tweet ng mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi hinggil sa pagpapatawad at paglimot.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Nobyembre 5, may mga tao umano na hindi nagbabago kaya mahirap silang patawarin at kalimutan ang mga nagawa nilang pagkakamali.

"Some people never change. That's why it's hard to forgive and forget. Forgive nalang and good riddance! Mabuhay!", ayon sa kaniyang tweet.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Screengrab mula sa Twitter (Alessandra De Rossi)

Isang Twitter user ang nagtanong naman sa kaniya kung ilang beses bang dapat magpatawad.

Sagot niya, "Always. As God forgives us every minute, mahirap ha. Di ako si God but I have to remember to forget also. It's a process! Charot!"

Screengrab mula sa Twitter (Alessandra De Rossi)

Nag-react naman dito ang isa pang Twitter user, "I feel you! Paminsan it's a matter of accepting that it's time to separate ways. Hopefully with a forgiving heart, for me it's truly understanding the person first, forgive then let go if you must (here's when you need wisdom)."

At sinang-ayunan naman ito ni Alex, "Yes. Always with compassion. It goes both ways kahit separate lives! Maraming salamat!"

Screengrab mula sa Twitter (Alessandra De Rossi)

Kaya tanong tuloy ng marami, may pinapatamaan ba si Alex at sa aling usapin kaya ito?