May 15, 2026

Home BALITA

Higit ₱5B fuel subsidy, naipamahagi na sa 1.13M tsuper

Higit ₱5B fuel subsidy, naipamahagi na sa 1.13M tsuper
Photo courtesy: MB


Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot na sa higit ₱5 bilyon ang naipamahaging fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa bansa.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magpamigay ng cash relief assistance para sa mga sektor na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DSWD nitong Linggo, Abril 26, katumbas daw ng nabanggit na numero ang higit 1.13 milyong tsuper na nakatanggap ng ₱5,000 subsidy.

Sa breakdown ng DSWD, 841,789 tricycle drivers na ang nakatanggap ng ayuda; 40,433 na public utility jeepney (PUJ) drivers; 40,137 na transport network vehicle service (4-wheels) drivers; at 207,974 MC taxi drivers at service delivery riders.

Photo courtesy: Department of Social Welfare and Development - DSWD/FB

GM Torre, binanatan si Comm. Calinisan: 'Anong klase kang adjudicator?'


Batay pa sa ahensya, ipagpapatuloy nila ang pamamahagi ng tulong-pinansyal para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na apektado ng mahal na presyo ng krudo at langis.