Hindi umano pinanood ni Paolo Contis ang ikalawang panayam ni Boy Abunda kay LJ Reyes sa 'The Interviewer' kung saan sinagot ni LJ na 'no effort' ang dating karelasyon na maayos nila ang mga isyu ng kanilang hiwalayan noong Agosto 2011.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/29/lj-reyes-takot-nang-magkamali-sa-mga-desisyon-sa-buhay/">https://balita.net.ph/2021/10/29/lj-reyes-takot-nang-magkamali-sa-mga-desisyon-sa-buhay/

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa aktor, kaugnay ng upcoming teleserye nila na 'I Left My Heart in Sorsogon', sinadya umano niyang huwag panoorin ang naturang panayam, para kapag inurirat siya sa kung ano ang reaksyon niya rito, wala siyang masasabing kahit ano.

Bagama't handa umano si Paolo na sagutin ang isyu hinggil dito, mas pinili na lamang umano niyang manahimik. 'Less talk, less mistakes' nga raw.

Nitong Nobyembre 1 ay nagong trending ulit si Paolo pero hindi na sa isyung ito kundi dahil kamukha raw niya ang sculpture na pinuntahan ng BTS member na si J-Hope.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/03/paolo-contis-ginaya-ang-trending-na-sculpture-sa-video-clip-ni-j-hope-ng-bts/">https://balita.net.ph/2021/11/03/paolo-contis-ginaya-ang-trending-na-sculpture-sa-video-clip-ni-j-hope-ng-bts/

Anyway, sobrang proud umano si Paolo sa ILMHIS dahil bukod sa maganda ang kuwento nito, napakaganda rin ng Sorsogon. Tinulungan umano sila ng Sorsogon Tourism Office upang maging madali ang kanilang lock-in taping.