Sa halip na parusahan, iminungkahi ni Vice President Leni Robredo nitong Nobyembre 6, na bigyan na lamang ng insentibo ang mga tumatangging magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang mahikayat ang mga ito na magpaturok.

Reaksyon ito ni Robredo nang kunan ng pahayag kaugnay sa plano ng gobyerno na parusahan ang mga tatangging magpabakuna.

“Para sa akin, mas mabuti na kapag may hesitance i-incentivize upang magpabakuna, kaysa paparusahan ang mga ayaw magpabakuna,” paglilinaw ng bise presidente nang bumisita ito saMurcia, Negros Occidental nitong Sabado.

Nauna nang binanggit ni Robredo na dapat magbigay ng insentibo ang pamahalaan upang makumbinsi ang mga ito na magpaturok upang madaling maabot ng bansa ang herd immunity.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Napilitang magkomentong bise presidente matapos tanungin ng mga mamamahayag kung pumapayag ito sa planong mandatory vaccination.

"Tingin ko, hindi effective na way iyong paparusahan mo o ifa-fine mo o hindi mo bibigyan ng pagkakataon.Nakita naman namin sa mga program namin na when you give incentives, iyong mga tao naman pumapayag ng kusang loob and I think, it’s the more effective way,” pagbibigay-diin nito.

Nitong Biyernes, nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa naturang hakbang ng pamahalaan at idinahilan na ito ay para sa proteksyon ng mamamayan.

Ellson Quismorio