Mapapanood na ulit ang aktres na si Maybelyn Dela Cruz sa 'Wish Ko Lang' ng GMA Network.

Una nang nag-Facebook post ang character actress noong Setyembre 24 kung saan ibinahagi niya ang kanilang naging taping, kasama ang co-star na si Gabby Eigenmann at ang mga direktor na si Rommel Penesa at Aurel Ayson.

"IT'S A WRAP! Grateful to the whole team of Wish Ko Lang for the opportunity to be in front of the cam again. Thank you direk Rommel, direk Aurel, and Kuya Gabby! Always fun working with," ayon sa kaniyang caption sa Facebook post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula sa FB/Maybelyn Dela Cruz

May be an image of 3 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Maybelyn Dela Cruz

At nitong Nobyembre 3, muli siyang nag-post upang mag-imbita sa publiko na panoorin ang 'Wish Ko Lang' episode sa Sabado, Nobyembre 6, na may pamagat na 'Labas-Utak'.

Bago lumipat sa GMA Network, nauna munang sumikat ang aktres sa ABS-CBN. Ilan sa mga shows na naging bahagi siya ay ang Ang TV (1992-1997) at Home Along Da Riles (1992-2000).

Sa paglipat sa GMA Network, naging original cast members siya ng youth-oriented show na Click noong 1999 kasama nina Biboy Ramirez, Tricia Roman, Trina Zuniga, Danilo Barrios, at Roxanne Barcelo.

Ang huling TV appearance ni Maybelyn ay noong 2013 sa teleseryeng Anna Karenina.

Naging konsehal siya sa Dagupan City, Pangasinan sa dalawang termino.