Patay ang isang rider at ang nahagip na binatang tumatawid sa C-5 Road sa Taguig City nitong Oktubre 31.

Kapwa dead on the spot sina Richard Villan, 39, may kinakasama, self-employed, taga-Block 34, Lot 6, Damayan, Taytay, Rizal at at Novem Abelong, 31, binata, at taga-Plaridel, Bulacan.

Sugatan naman ang angkas at kinakasama ni Villan na si Alma Albaro, 48, taga-Taytay, Rizal.

Sa pagsisiyasat ni Senior Master Sgt. Luthgarda Osea, ay hawak ng kaso ng Taguig City Police, ang insidente ay naganap sa Commando Bridge, C-5 Road Southbound lane, Brgy. Pinagsama, dakong 8:30 ng gabi.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kagagaling lamang nina Villan at Albaro sa isang shopping mall sa Bonifacio Global City sa naturang lungsod at pauwi na sana sila sakay ng motorsiklo at binabagtas ang lugar nang biglang tumawid si Abelong kaya nila ito nahagip.

Dahil dito, nawalan ng kontrol si Villan kaya sila tumilapon ng angkas nito. Binawian ng buhay sina Villan at Abelong dulot ng matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan.

Bella Gamotea