Inamin mismo ng magkatambal at real-life couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson na may baby na sila, sa 1st nomination night episode ng Pinoy Big Brother o PBB: Kumunity Season 10 Celebrity Edition, nitong Oktubre 31, 2021 kung saan naging guest sila at dinalaw si Big Brother.

“Kuya, pwede po ba namin kayong gawin ninong as anak namin?" tanong ni McCoy.

"Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakagandang at napakabait na baby girl.” pag-amin naman ni Elisse.

Kahit tinig lamang ni 'Kuya' ang kilala nila, at kahit imposibleng mapadalo ito sa binyag, ikinararangal pa rin umano nila na maipaalam dito ang 'blessing' na dumating sa kanila, dahil ang PBB umano ang naging tulay upang magkakilala sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Alam namin na imposibleng makita ka pero gusto ka namin tingalain bilang isang ninong, bilang isang godparent na punong puno ng wisdom kaya naisip po namin lumapit sa inyo," saad ni McCoy.

Nagkahiwalay ang couple noong 2018 subalit muli silang nagkabalikan noong 2020.

Mapatutunayan umano nila na 'love is sweeter the second time around'.

“Ngayon masasabi ko talaga na iba. Iba compared sa kung paano kami noong beginning… Parang it was all surface, mababaw na masaya kayo, you go out, date kayo. Pero especially tayo, dumating sa point na ‘yun nga, nag-break, na we hated each other, nagalit tayo sa isa’t isa,” saad naman ni Elisse.

“Mas naging iba the second time around kasi nga nagkaroon ng ganun. So ngayon, di na kami mababaw na happy-happy lang. Ngayon, it feels more real. This is our reality, this is how you work on your relationship, this is how you deal with your partner, with each other.”

Naging housemates sina McCoy at Elisse sa PBB: Lucky Season 7 noong 2016.