Tuwang-tuwa ang mga netizens sa Halloween peg ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, dahil ang napili nilang gayahin ay ang sikat na cartoons noong 90s na sina Princess Sarah Crew at Miss Minchin, ang kontrabidang masungit na guro sa buhay nito. At ang cute na anak naman ni Toni at Paul Soriano na si Seve---si Cedie, ang Munting Prinsipe.

Sa Instagram posts ng magkakapatid, ibinida nila ang kani-kanilang mga litrato na 'in character' pa. Nakakatawa rin ang mga captions na inilagay nila rito.

"Haaayyyy pinagtatalop na ng patatas, pinaaalagaan pa ang anak nyang si Cedie. Ang lupit mo Ms. Minchin!!"

"Isang araw sa buhay nina Ms Minchin at Sarah Crew. Isang rebelasyon na magbabago sa timeslot ng mga cartoon!"

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

"Si Miss Minchin at si Princess Sarah… parang totoong buhay lang ah hindi costume."

Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Seve (Larawan mula sa IG)

Ilan sa mga celebrity friendsat kasamahan sa showbiz nila na natuwa sa kanilang peg ay sina Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Mariel Padilla, Melai Cantiveros, DJ Chacha, Darren Espanto, Baron Geisler, Angeline Quinto, Kathryn Bernardo, at iba pa.

Noong 1995, ginawang pelikula ng Star Cinema ang naturang cartoons na pinamagatang 'Sarah: ang Munting Prinsesa' kung saan ang gumanap bilang Princess Sarah ay si Camille Prats, si Becky naman ay si Angelica Panganiban, at si Miss Minchin naman ay si Jean Garcia.