Namangha ang mga netizens sa anak nina Zoren Legazpi at Carmina Villaroel na si Cassy Legazpi dahil sa kaniyang mala-Catriona Gray na look para sa Halloween.

Makikita sa Instagram post ni Cassy nitong Oktubre 31 ang panggagaya niya sa Miss Universe Philippines 2018, suot ang 'Mayon Volcano' red gown nito na may thigh-high slit, gayundin ang ear candy nito. Hindi mawawala ang sash, red lipstick, at syempre, ang korona nito. Gayang-gaya rin ni Cassy ang pamosong signature pose nito.

"To everyone with a dream, know that your dreams are valid. And on your path, you are never denied and only redirected” - Miss Universe 2018, Catriona Gray," caption ni Cassy na mula mismo kay Catriona.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Cassy Legazpi

Ang kaniyang naging photographer ay si JT Fernandez, sina MJ Rone at Marben Talanay naman sa hair at make up, at ang styling naman ay sa Team Cath Sobrevega.

Pinag-usapan din ang panggagaya niya kay 'Han So Hee's Jiwoo'.

Larawan mula sa IG/Cassy Legazpi

"“I’m willing to be a monster", caption ni Cassy sa kaniyang Han So Hee peg. Mula ito sa K-drama na 'My Name'.

Larawan mula sa IG/Cassy Legazpi

Noong Oktubre 21 naman, ginaya niya ang sikat na Blackpink member na si Lisa at ginawa ang dance cover nito na 'Lalisa' at 'Money' dance.

"Decided to pay a tribute to the Filipino culture and wore a modern Filipiniana inspired dress", saad naman niya sa kaniyang 'Lalisa' at 'Money' dance cover sa YouTube channel.