Nakatatanggap umano ng pamba-bash o batikos mula sa mga netizens ang action star na si Jeric Raval, na kumukuwestyon sa paraan umano ng kaniyang pagpapalaki sa anak na si AJ Raval.

Sa panayam nina Cristy Fermin at Romel Chika sa action star sa radio program nilang 'Cristy Fer Minute' noong Oktubre 29, inamin ni Jeric na tinatanong siya ng mga netizens kung bakit hinahayaan niyang makipagrelasyon si AJ kay Aljur, gayong kung tutuusin ay legal pa rin ang kasal nina Aljur at Kylie Padilla.

Lumalabas kasi na hinahayaan lamang nilang pumatol sa lalaking may sabit pa ang kanilang anak.

“Pagdating kasi sa ganyan, magulang kaagad ang tinatanong ng tao. Ang dami na nga namba-bash sa akin wala naman akong kinalaman diyan at kung ganu’n daw ba pagpapalaki ko sa anak ko," ani Jeric.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/26/jeric-raval-sa-lovelife-ni-aj-kahit-ayaw-ko-wala-akong-magagawa-matanda-na-yung-anak-ko/">https://balita.net.ph/2021/10/26/jeric-raval-sa-lovelife-ni-aj-kahit-ayaw-ko-wala-akong-magagawa-matanda-na-yung-anak-ko/

“Ang masasabi ko lang diyan, ang wish ko lang talaga, e, magkaayos ang pamilya ni Aljur at ang mga anak niya, mabuo ang pamilya niya."

“Ako wala akong masamang tinapay kay Aljur although kababayan ko ‘yan pareho kaming Kapampangan at kung siya’y talagang gusto niya ang anak ko, eh, hindi ko naman mabantayan ang anak ko 24 hours basta i-ayos lang nila ang lahat.

“Kasi kahit anong sabihin natin, kasal pa rin si Aljur at saka si Kylie at walang magulang na gusto niya ang anak niya ay parang kabit. Walang magulang na ganun," pagdidiin ni Jeric.

Nakita umano niya na sobrang apektado si AJ sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya, at nasaksihan niya kung paano ito umiyak.

Kaya may pakiusap ang ama sa mga bashers ng kaniyang anak.

"Sana po lahat ng bashers niya ay maka-move on na po tayong lahat. ‘Huwag po natin masyadong personalin, unang-una hindi naman po natin kilala at kung may nakakakilala po sa anak ko, ako po ‘yun at sinisigurado ko po mabuting bata po ‘yan at mabait na bata."

“At ako naman, eh, naiintindihan ko ang pamba-bash n’yo, siguro naiinip lang kayo ha, haha. Well again, salamat sa inyo," dagdag pa ni Jeric, na nagpo-promote ng kanilang pelikulang 'Barumbadings' sa ilalim ng Viva Films.