Ang American socialite, model, influencer, at businesswoman na si Kim Kardashian West ang peg ni Kapamilya actress Janine Gutierrez para sa isang event na kaniyang dinaluhan, batay sa kaniyang Instagram post, kung saan, nasa New York City, USA siya.

"Kim, could you stop taking pictures of yourself? Your sister's going to jail!" nakalagay sa caption ng aktres. Pinasalamatan niya ang kaniyang mga Halloween mamas na nag-ayos sa kaniya upang maging kahawig niya ang peg na si Kim.

Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez

"Channeling 'Kim K' for this years NYC Halloween," saad pa niya sa isang IG post kalakip ang isang video na umaawra-awra siya mala-Kim K.

Nasa New York si Janine para makapagbakasyon, lalo't matagumpay at umeere pa ang kanilang romantic comedy series ni Paulo Avelino na 'Marry Me Marry You' sa mga platforms ng ABS-CBN sa free TV at digital.