Tinatayang aabot na sa₱245 milyon ang jackpot prize na maaaring mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 at₱114M naman naman sa Super Lotto 6/49 na parehong bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa darating na Linggo ng gabi, Oktubre 31.
Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Royina Garma, hindi naiuwi ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na₱237,168,101.60 na binola nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 29, dahil walang nakahula sa six-digit winning combination na 28-43-31-08-15-06.
Dahil dito, inaasahan ng PCSO na madaragdagan pang muli ng P8 milyon ang jackpot prize nito at papalo na sa mahigit₱245 milyon.
Samantala, ang jackpot prize naman sa Super Lotto 6/49 na bobolahin rin sa Linggo ng gabi ay inaasahang aakyat rin sa mahigit₱114 milyon.
Nabatid na ang huling draw sa Super Lotto 6/49 ay isinagawa noong Huwebes ng gabi, Oktubre 28, ngunit walang nakapag-uwi sa jackpot prize na₱107,635,027.60matapos na walang makahula sa six-digit winning combination na 10-36-09-06-40-07.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Garma ang publiko na tumaya sa lotto at iba pang PCSO games upang magkaroon ng tiyansang maging susunod milyonaryo at makatulong pa sa kawang-gawa.
Mary Ann Santiago