Ibinida ni Pauleen Luna-Sotto ang kaniyang sexy body habang nakasuot ng bikini, sa kanilang beach escapades kasama ang mister na si Vic Sotto at ang anak na si Tali.

"While everyone was sleeping," saad ni Pauleen sa caption ng kaniyang Instagram post.

Pauleen Luna-Sotto/Larawan mula sa IG

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Pauleen Luna-Sotto/Larawan mula sa IG

Masayang ibinahagi ni Pauleen na unti-unti nang nababawasan ang kaniyang timbang, matapos ang kaniyang panganganak. Hirap si Pauleen na magpapayat dahil mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS), isang hormonal imbalance disorder sa mga babae.

Sa isa pang IG post, ipinahayag ni Pauleen ang kaniyang kasiyahan na nakasama niya ang kaniyang pamilya sa pagtungo sa beach.

Pauleen Luna-Sotto, Vic Sotto, at Baby Tali/Larawan mula sa IG

Pauleen Luna-Sotto, Vic Sotto, at Baby Tali/Larawan mula sa IG

“I’m grateful for all things big and small but I’m most grateful for these two. Thank you Lord for the gift of family and for letting us have this time to make more memories. My heart (and tummy) are full.”