June 01, 2026

Home SHOWBIZ

Christian Esguerra, curious sa 'internal editorial guidelines at basic values ng Caritas PH'

Christian Esguerra, curious sa 'internal editorial guidelines at basic values ng Caritas PH'
Photo Courtesy: Christian Esguerra (FB), Caritas PH via MB

Sumagot si dating ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Christian Esguerra sa pahayag ng Caritas Philippines kaugnay sa tinanggal na episode ng YSpeak 2.0 kung saan nagsilbi siyang panauhin.

Matatandaang ayon sa pahayag ni Executive Director Caritas Philippines Sgd. Fr. Tito Caluag, nilinaw niyang siya mismo ang humiling na kaltasin ang naturang episode bilang producer ng programa.

Aniya, “It was a difficult decision to make, but there are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider.”

Sa latest Facebook post ni Christian nitong Lunes, Hunyo 1, ibinahagi niya ang buong pahayag ng Caritas kalakip ang tugon niya.

“It's easy to preach "civics" in the comfort of an air-conditioned studio. But the true test comes when things become uncomfortable and fear, whether real or imagined, sets in,” saad ni Christian.

Caritas PH, nagsalita sa tinanggal na episode ng YSpeak 2.0

Ayon sa kaniya, isang kabalintunahan umano na noong bumisita siya sa programa, tinalakay niya na ang pinakamasamang anyo ng censorship at ay ang pagse-censor ng sarili, na siyang eksaktong ginawa ni Fr. Tito.

Dagdag pa ni Christian, “I am genuinely curious about the "internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines" that needed to be considered in taking out the episode.”

Naging kontrobersiyal ang naturang episode dahil sa matatapang na pahaayg ni Christian. Sa segment na ito, kinakailangan niyang magbigay ng isang salitang maiuugnay sa mga ito.

Kabilang sa larawang ipinakita ay ang kay Vice President Sara Duterte na tinawag niyang “evil” habang “Tsinador” naman kay Sen. Rodante Marcoleta.

Maki-Balita: Caritas PH, nagsalita sa tinanggal na episode ng YSpeak 2.0