June 01, 2026

Home SHOWBIZ

Caritas PH, nagsalita sa tinanggal na episode ng YSpeak 2.0

Caritas PH, nagsalita sa tinanggal na episode ng YSpeak 2.0
Photo Courtesy: Caritas PH via MB, YSpeak 2.0 (FB)

Naglabas ng pahayag si Sgd. Fr. Tito Caluag, executive director ng Caritas Philippines, kaugnay sa episode 3 ng YSpeak 2.0 na inalis kamakailan.

Sa latest Facebook post ng Caritas PH nitong Lunes, Hunyo 1, nilinaw ni Fr. Caluag na siya umano ang humiling na kaltasin ang naturang episode bilang producer ng programa.

Aniya, “It was a difficult decision to make, but there are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider.”

“Furthermore, there were other factors I had to take into consideration. I had discussed these with the people concerned,” dugtong pa ni Fr. Caluag. 

Ayon sa executive director ng Caritas PH, nilikha umano ang YSpeak at YSpeak 2.0 para magsilbing safe space para sa kabataang Pilipino.

Christian Esguerra, curious sa 'internal editorial guidelines at basic values ng Caritas PH'

“Yes,” pagpapatuloy ni Fr. Caluag, “we want our youth to have the platform to speak the truth with courage, but also to take all things into consideration. We are primarily a civics formation and education program and hope to be as inclusive as possible.”

Sa ngayon, nakikipag-usap na raw si Fr. Caluag sa mga host kaugnay sa nasabing development para makapagpasya kung paano uusad mula sa natutuhan nila sa karanasang ito.  

Matatandaang naging kontrobersiyal ang naturang episode kung saan naging panauhin si dating ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Christian Esguerra.

Sumalang siya sa segment na “YSpeak Your Mind” at ipinakita sa kaniya ang mga larawan ng iba’t ibang personalidad sa politika. 

Sa segment na ito, kinakailangan niyang magbigay ng isang salitang maiuugnay sa mga ito.

Kabilang sa larawang ipinakita ay ang kay Vice President Sara Duterte na tinawag niyang “evil” habang “Tsinador” naman kay Sen. Rodante Marcoleta.

Maki-Balita: Christian Esguerra, walang preno; tinawag na 'evil' si VP Sara! 

Maki-Balita: Christian Esguerra, tinawag na 'Tsinador' si Sen. Rodante Marcoleta!