Pumabor ang pagkakataon sa isang taga-Leyte nang mapanalunan ang halos ₱6 milyong jackpot sa lotto nitong Huwebes ng gabi.
Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, nahulaan ng naturang mananaya angwinning combination na 37-09-25-14-28-04.
Sa rekord ng PCSO, ang nanalong tiket ay nabili sa Ormoc City.
Paalala naman ng PCSO, kinakailangan lamang magtungo sa PCSO Main Ofice sa Mandaluyong upang i-claim ang napanalunan basta magdala lamang ng dalawang ID card, kasama ng nanalong tiket.