Dalawa ang naiulat na namatay, kabilang ang isang 9-anyos na lalaki matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sinaAddy Marahay, 25, at Jairus Alvarez, kapwa taga-Little Tagaytay, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap sa nasabing lugar, dakong 6:30 ng gabi.

Bigla na lamang umanong sumiklab ang isa sa bahay sa lugar kaya agad na gumapang ito sa iba pang mga bahay.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naiulat na umabot ng 45 minuto ang sunog na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa nang hindi sila makalabas sa kanilang bahay.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.

Orly Barcala