Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa ₱8.6 milyong halaga ng party drugs na nabisto sa tatlong magkakahiwalay na kargamento sa Pasay City kamakailan.

Sa report ng BOC, aabot sa 4,547 piraso ng ecstasy tablets ang dumating sa Central Mail Exchange Center at sa FedEx warehouse sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Ang mga nasabing iligalna droga ay nagmula pa sa Netherlands, Germany at Malaysia.

Nabisto lamang ng BOC ang illegal drugs nang magsagawa sila ng physical examinations sa mga kargamento.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Tinutukoy pa rin ng BOC ang nasa likod ng tangkang pagpupuslitng naturang mga droga sa bansa.

PNA