Nakapagtala ang Pilipinas ng 3,694 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Oktubre 28, ayon sa Department of Health (DOH).|

Umabot sa 49,835 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa buong bansa. Sa naturang bilang, 73.4 porsyento ang mild symptoms, 10.97 porsyento ang moderate condition, 6.8 porsyento ang asymptomatic, 6.2 porsyento ang severe, at 2.6 porsyento ang nasa kritikal kundisyon.

Simula noong nakaraang taon, nakapagtala ang DOH ng 2,772,491 na kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, 3,924 ang bilang ng mga bagong gumaling at 227 ang namatay nitong Huwebes sanhi upang umabot sa 2,680,081 ang total recovery tally, habang umakyat sa 42,575 ang mga namatay.

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Analou de Vera