Aprubado ng Philippine Sports Commission (PSC) Board nitong Martes ang P750,000 halagang special incentives para kay Carlos Yulo para sa kanyang double-medal performance sa 2021 World Artistic Gymnastics Championships sa Kitakyushu, Japan.

Si Yulo ang kauna-unahang Pilipinong gymnast na nakapag-uwi ng dalawang medalya sa nasabing kompetisyon kung saan ginto ang nasungkit ng atleta sa men’s vault. Tinalo ni Yulo ang pambato ng Japan na si Yonekura Hidenobu. Silver medal naman ang naiuwi ni Yulo sa men’s parallel bars.

Ipinaliwanag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang probisyon at ilang kondisyon ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na hindi sakop ang annually-held world tilt of gymnastics.

Sa kabila nito, kinilala ng sports agency ang espesyal na pagkapanalo ni Yulo at inaprubahan ang P500,000 at P200,000 insentiba para sa gold at silver medal na naiuwi ng atleta para sa bansa.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

“He has bounced back and showed us all that he is still our world champion in gymnastics,” pagbati at pagpuri ni Ramirez kay Yulo.

Bigong madepensahan ni Yulo ang kanyang titulo sa men's floor exercise ngunit dalawang medalya pa rin ang naipanalo nito sa ibang kategorya.

Noong 2019, nakatanggap din ng P500,000 halagang insentiba si Yulo nang makapag-uwi ng ilang medalya sa Southeast Asian Games at isa pang P500,000 sa kamakailan lang na 2020 Tokyo Summer Olympics.

“Every incentive that he receives is well-deserved. By sheer will and determination, Caloy has created his own niche in the halls of Philippine Sports history. Caloy is truly an inspiration to our youth and Filipino athletes,” ani Ramirez.

Philippine News Agency