Patay ang isang lalaki nang barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Malabon City.
Died on the spot ang biktimang si Cristalino Vitalino, 30, naninirahan sa Barangay Tonsuya Malabon City, sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 sa ulo.
Kaagad namang tumakas ang dalawang salarin nang matiyak na patay na ang kanilang target bitbit ang ginamit na baril.
Kwento ng witness na si "Aira" dakong alas 9:16 ng gabi, naglalakad daw sila kasama si Vitalino sa kahabaan ng Pilapil Street, Barangay Tonsuya, Malabon City.
Bigla daw tumambad sa kanilang harapan ang dalawang lalaki, saan bumunot ng baril ang isa sa mga ito at binaril ng dalawang ulit sa ulo ang biktima.
Hindi namanidinamay o sinaktan ng mga salarin ang babae na putlang-putla sa takot.
Narekober ni Major Sonny Boy Tepace ng Scene on the Crime Operatives SOCO) ang dalawang basyo ng cal. 45.
Inaalamna ng mga pulis ang motibo sa pagpapaslang sa biktima at sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Orly L. Barcala.