Iiral ang northeast monsoon o “amihan” sa northern Luzon habang apektado ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang southern Luzon, Visayas, Mindanao, ayon sa Pilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Oktubre 25.

Sa susunod na 24 oras, makakapagdala ng maulap na kondisyon hanggang sa bahagyang pag-ulan ang amihan sa mga bahagi ng Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Maari rin itong maging sanhi ng bahagyang maulap hanggang maulap na kondisyon na may pulo-pulong pag-ulan sa rehiyon ng Ilocos.

Inaasahang iiral pa ang amihan at magdadala ng cold at dry air sa northern Luzon matapos ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng amihan season sa bansa.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Dagdag ng weather agency, mararamdaman ang malamig na temperature sa mga susunod na buwan.

Samantala, kalat-kalat na pag-ulan naman at thunderstorms na dala nintertropical convergence zone (ITCZ) ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, at Masbate.

Patuloy na makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o thuderstorms na dala ng ITCZ at localized thunderstorms.

Pinaalalahan ng PAGASA nag publiko na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling may severe thudnerstorsms.

Mananatili namang nasa ng Philippine Area of Responsibilty ang namataang tropical depression sa kanluran ng Palawan, sabi ng weather specialist na si Ana Clauren.

Dagdag nito, walang direktang epekto ang nasabing sama ng panahon sa bansa.

Ellalyn De Vera Ruiz