Sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon hinggil sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla, inamin ni Aljur Abrenica na naging 'manipulative' siya sa mga babaeng nakarelasyon niya noon.

“Nagmanipula na ako sa pag-ibig… noon. I think it comes with maturity and self-awareness. I wasn't aware at the time. Dati, madalas," saad ni Aljur.

"Para lang… akala ko sa ngalan ng pag-ibig, alam mo 'yun? Pero hindi pala. Hindi pala ganoon. So, before, nagawa ko na siya, at hindi siya maganda. Kasi in the end, lalabas at lalabas ang totoo," dagdag pa.

“Lahat ng pagmamanipula mo, for now, is OK lang. Mananalo ka. Pero sa dulo, hindi mo maitatago yung totoo.”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Paglilinaw niya, binata pa raw siya noon at iba naman ang kaso sa nangyayari ngayon sa kanila ni Kylie.

Ipinahayag niya ito sa media press conference ng bagong pelikula niyang 'Manipula' nitong Sabado ng hapon, Oktubre 23, na ginanap sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City.

Dito ay sinabi rin niya na kaya niya nagawa ang 'pasabog Facebook post' day dahil pakiramdam niya, 'bugbog' na siya sa mga bashers. Aminado naman siyang impulsive decision ang kaniyang ginawa, kaya binura din niya ito kalaunan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/24/aljur-abrenica-nabugbog-kaya-ginawa-ang-pasabog-na-facebook-post-laban-kay-kylie/

Sa post na ito, hinamon niya si Kylie na sabihin ang totoo kung bakit sila naghiwalay: na ang unang nangaliwa at nagtaksil ay ang asawang aktres.

Inamin ni Aljur na minahal niya si Kylie at kahit paano, nais niyang maresolba na ang isyu sa pagitan nilang dalawa, alang-alang sa kanilang mga anak.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/24/aljur-para-kay-kylie-she-was-the-love-of-my-life-talagang-minahal-ko-yung-babaeng-yon/