Nakapagtala na lamang ang National Capital Region (NCR) ng halos 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 habang bumaba na rin sa 0.45 ang reproduction number sa rehiyon.

Ito ay batay sa latest monitoring ng OCTA Research Group, na ibinahagi sa Twitter ni OCTA fellow Dr. Guido David nitong Sabado.

Ayon kay David, sa kauna-unahang pagkakataon simula Hulyo 22 hanggang 28, ang 7-day average new cases na naitala sa NCR ay nasa 996 na lamang o wala pang 1,000.

Mas mababa ito ng 43% kumpara sa 7-day average noong nakaraang linggo na nasa 1,762.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Ang reproduction number naman ng COVID-19 sa NCR, o bilang ng mga taong maaaaring maihawa ng isang pasyente ng COVID-19, ay bumaba pa sa 0.45.

Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaaan ng virus.

Ayon sa OCTA, ang positivity rate naman ay bumaba na rin sa 7% mula sa 10% noong nakaraang linggo.

Ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) naman sa NCR ay humusay rin sa 7.03 per 100,000 individuals per day mula sa dating 10.23 noong Oktubre 18.

Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), natukoy na ang NCR ay mayroong 12,967 active COVID-19 cases sa ngayon habang 66,838 naman ang active cases sa buong bansa.

Kaugnay nito, sa kabila nang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy naman ang paalala ng DOH at ng OCTA sa publiko na huwag maging kampante.

Mary Ann Santiago