Burado na ang pasabog Facebook post ni Aljur Abrenica laban kay Kylie Padilla, na nag-aakusa sa 'ex-misis' niya na ito ang unang nangaliwa at nagtaksil sa kanilang relasyon, na nauwi na nga sa hiwalayan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/">https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/

Hindi tiyak ang rason kung bakit niya ito binura, kung dahil ba sa sariling kagustuhan o utos ng iba (para sa mas malaking pasabog) ngunit huli na ang lahat dahil nagsanga-sanga na ang problema, lalo't ito ang pinagmulan ng iba't ibang away ngayon sa showbiz; ang huli nga ay sina Kylie at ang showbiz columnist/radio host na si Cristy Fermin. Sabi nga sa wikang Ingles, 'the damage has been done' dahil pinagpipistahan na sa social media ang isyung ito.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Kylie Padilla Cryptic Posts Following Aljur Abrenica's Controversial Post
Screengrab mula sa FB/Aljur Abrenica)

Bukod dito, inulan din ng batikos mula sa mga netizens ang 'mali-maling' grammar ni Aljur sa naturang buradong FB post, na ginawan pa ng memes ng mga netizens at pabirong isinalin pa sa iba't ibang wika.

Kaugnay ng FB post na iyon ay muling lumitaw ang isyu na umano'y may mga manliligaw na mayayamang negosyante si Kylie na sinimulan niyang i-entertain nang magloko naman ang asawang si Aljur, na wala na umanong mai-provide sa kaniyang pamilya, dahil walang proyekto dulot ng pandemya. Lumitaw rin ang isyu na masyado umanong 'high-maintenance' ang pamumuhay nilang dalawa kaya maaari umanong nag-ugat ang problema ng kanilang relasyon sa usaping pera.

Naiugnay rin ang pangalan ng Kapamilya actor na si JM De Guzman na siya umanong bagong idide-date ni Kylie.

Samantala, sa darating na Oktubre 24, Linggo, ay isisiwalat ni Kylie Padilla ang kaniyang side story kay Jessica Soho, na mapapanood sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' sa GMA Network.