Inilabas nitong Huwebes ng Philippine Football Federation (PFF) ang komposisyon ng national team para sa AFC U23 Asian Cup 2022 Qualifiers na idaraos sa Oktubre 25-31 sa Singapore.

Ang 23-man squad ay pinamumunuan nina defender Justin Baas, midfielders Oliver Bias at Mark Winhoffer, forward Kieran Hayes at goalkeeper Quincy Kammeraad.

Kabilang din sa lineup sina Enrico Mangaoang, Jessi Semblante, Palo Perez, Christian Rontini, David Kevin Setters, Jethro Borlongan, Dennis Chung, Yrick Gallantes, Mandy Lloyd Ignacio, Oskari Johannes Kekkonen, Jacob Maniti, Sandro Reyes, Nathan Rilloraza, Mark Swainston, Shanden Vergara, Miguel Mendoza, Marcel Ouano at Jens Sebastian Rasmussen.

Kabilang ang Philippine Team sa Group H kung saan makakasagupa nila ang defending champion South Korea, Timor-Leste at host Singapore.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Unang makakasagupa ng Nationals ang Korea sa Oktubre 25 ganap na 5:00 ng hapon,sunod ang Singapore sa Oktubre 28, dakong 8:00 ng gabi at ang Timor Leste sa Oktubre 31, dakong 5:00 ng hapon.

Ang lahat ng nasabing mga laro ay idaraos sa Jalan Besar Stadium, Singapore.

Ang mga mananalo sa bawat grupo kasama ang apat na best runner-up ay magkakamit ng outright qualification para sa 2022 AFC U-23 Asian Cup na gaganapin sa Uzbekistan sa Hunyo 2022.

Marivic Awitan